Home LIFESTYLE HEALTH Pagkalat ng Tigdas sa mga Evacuation Center, tinututukan ng DOH; 2M karagdagang...

Pagkalat ng Tigdas sa mga Evacuation Center, tinututukan ng DOH; 2M karagdagang bakuna dumating na sa bansa

495
0

MANILA, Philippines – Binabantayan ngayon ng Department of Health (DOH) ang mga siksikang evacuation center matapos ang Bagyong Tino at Uwan, dahil sa banta ng pagkalat ng tigdas.

Batay sa datos ng DOH umabot na sa 4,718 ang kaso ng measles-rubella sa bansa mula Enero hanggang Nobyembre na 37% na mas mataas kumpara noong 2024.

Tinatayang 73% ng mga kaso ay hindi bakunado, karamihan ay mga batang limang taon pababa.

Mayroon ding 118 kaso ng rubella, higit doble kumpara noong nakaraang taon.

Tiniyak naman ni DOH Secretary Ted Herbosa, na sapat ang suplay ng bakuna sa mga health center, at nitong Biyernes ay dumating pa ang karagdagang dalawang milyong doses ng measles-rubella vaccines.

Paalala ng DOH, agad na magpatingin sa doktor kapag nakaranas ng mataas na lagnat, pantal, ubo, sipon, at pamumula ng mata. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here