Home OPINION SARBEY: VP SARA DAPAT MA-ACQUIT

SARBEY: VP SARA DAPAT MA-ACQUIT

1
0

BUKAS, magugulo ulit ang buhay-Pinoy sa pagpapatuloy ng paglilitis sa kasong impeachment ni Vice President Sara Duterte.

Habang nagkakagulo ang prosekusyon at depensa, nakikigulo rin ang mga nagsasarbey sa mga pangyayari.

Sa Momentum Research survey nitong Nobyembre 13-17, 2026, tanggap umano ng 36% ng lahat ng Pinoy anoman ang ending ng kaso, 25% ang makatatanggap lamang kung acquittal at 23% ang makatatanggap lamang kung conviction, 12% ang walang pagpapasya at 4% ang no comment.

Partikular sa nililitis na “hindi maipaliwanag na yaman” ni VP Sara, may 38% naniniwalang maaaring ma-convict si VP Sara, 36% – ma-acquit, 22% – walang desisyon at 5% – no comment.

Pinakasensitibo rito ang kiskisan ng mga 48% para sa acquittal o conviction o sa pagitan ng “25% ang makatatanggap lamang kung acquittal at 23% ang makatatanggap lamang kung conviction.”

Dito malalagay sa alanganin ang mga senator-judge, lalo na ang mga kakandidato muli sa halalang 2028 lalo na kung conviction ang pasya nila dahil mas marami ang makatatanggap lang ng desisyon ng mga ito kung acquittal kaysa conviction.

Dito nakaangkla hindi lang ang kinabukasan ng mga muling kakandidaton senador sa 2028 kundi maging ang itatayo nilang kandidatong Pangulo dahil malamang na manggagaling sa 48% ang magiging aktibo sa kampanya kumpara sa 52% na ipinapasa-Diyos na lang ang lahat o walang paki.

Isa pang mahalagang usapin ang iba pang mga sarbey na naaayon sa higit na maraming may gustong acquittal kaysa conviction.

Sa Tangere survey nitong Nobyembre 16-18, 2026, lumitaw na pinagkakatiwalaan ng 46% ng mamamayan si VP Sara kumpara sa 27% na nagtitiwala kay Pangulong Bongbong Marcos na sinasabing pasimuno ng impeachment.

Ang mas masama, si Marcos ang pinaka (nangunguna? – Ed) sa lahat ng hindi pinagkakatiwalaang opisyal ng gobyerno sa grado nitong 27% habang pinaka naman sa lahat ng pinagkakatiwalaan si VP Sara sa gradong 46%.

O paano?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here