Home HOME BANNER STORY Nadiskubreng “ghost” projects ng DPWH, 472 na!

Nadiskubreng “ghost” projects ng DPWH, 472 na!

391
0

MANILA, Philippines – Umakyat na sa 472 ang bilang ng umano’y “ghost” flood management projects sa bansa, sinabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Biyernes.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni DPWH Undersecretary Arthur Bisnar na ang bilang ng mga umano’y non-existent flood control projects ay tumaas mula 420 hanggang 472 noong Miyerkules, Nobyembre 12.

Noong nakaraang buwan, sinabi ng DPWH na mayroong 420 “ghost” flood projects sa 8,000 flood management projects na unang inspeksyon sa buong bansa.

Natuklasan ang ma proyekto sa ibat-ibang lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao . Karamihan sa mga ghost projects at naiulat sa Luzon ayon sa DPWH.

Samantala,sinabi ni Bisnar na nagsagawa ng inisyal na inspeksyon ang Department of Economy,Planning and Development  (DEPDev) sa Pilipinas  sa 9,855 flood management projects.

Sa mga numero, 489 ang natukoy na ‘ghost’ projects. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here