Home NATIONWIDE Dating asawa ni Brice, bineberipika ng DPWH kung nagtrabaho sa nasunog na...

Dating asawa ni Brice, bineberipika ng DPWH kung nagtrabaho sa nasunog na BRS Building

287
0
Fire broke out at the Department of Public Work and Highways (DPWH) building in Kamuning Quezon City on Wednesday October 22,2025. They have yet to determine the cause of the fire that reached into the 3rd alarm …

MANILA, Philippines – Sinabi ng isang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Biyernes na kanilang beberipikahin kung ang dating asawa ni dating Bulacan 1st district assistant engineer Brice Hernandez ay dating nagtrabaho sa gusali ng Bureau of Research Standards (BRS) sa Quezon City.

Nasunog ang gusali noong nakaraang buwan.

Kinumpirma ni DPWH Undersecretary Arthur Bisnar na narinig niya ang impormasyon nang tumestigo siya sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa mga maanomalyang flood control projects.

Mismong si Senator Erwin Tulfo ang nagbunyag sa pagdinig na mayroon siyang informant na nagsabi sa kanya na ang dating asawa ni Hernandez, na si Engineer Mel Claire Santo Domingo ay nagtatrabaho umano sa naapektuhang gusali.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog sa DPWH Quezon City noong Oktubre 22.

Sinabi naman ng DPWH na walang mga dokumento kaugnay sa isinasagawan imbestigasyon sa mga anomalya sa pagkontrol ng baha sa apektadong gusali. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here