MANILA, Philippines – BINIGYANG diin ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia na katotohanan at ebidensya ang dapat pagbatayan ng publiko matapos ang mga inilabas na paratang ni Zaldy Co kung saan malinaw na wala itong naipapakitang ebidensyang nag-uugnay kay Pangulong Bongbong Marcos sa sinasabing P100 bilyong insertion.
Ayon kay Goitia, ang mga dokumentong ipinakita ni Co ay karaniwang listahan ng proyekto at pondo sa pambansang budget, ngunit wala itong anumang pahiwatig o utos mula sa Malacanang na nagsasabing idinagdag ang mga ito ayon sa kagustuhan ng Pangulo.







