Home HOME BANNER STORY ALAMIN: Mga saradong kalsada, mga alternatibong ruta sa INC 3-day rally sa...

ALAMIN: Mga saradong kalsada, mga alternatibong ruta sa INC 3-day rally sa Nob. 16-18

350
0

MANILA, Philippines – Ang pamahalaang lungsod ng Maynila, sa pakikipagtulungan ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) at Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), ay naglabas ng listahan ng mga pagsasara ng kalsada/area at mga alternatibong ruta na ipatutupad sa tatlong araw na rally ng protesta ng Iglesia Ni Cristo (INC) simula alas-12 ng umaga ng Linggo.

Sa isang post sa social media, sinabi ng Manila Public Information Office (MPIO) na isasara ang Luneta Park, Chino Roces Bridge (Mendiola), Liwasang Bonifacio at Ayala Bridge.

Pinayuhan ang mga motorista na iwasan ang mga apektadong kalsada at dumaan sa mga itinalagang alternatibong ruta upang maiwasan ang abala sa paglalakbay.

Para sa Luneta Park, ang mga kalsadang isasara ay:

– Both lanes ng Bonifacio Drive mula Anda Circle hanggang P. Burgos Ave.

– Roxas Blvd. (southbound lane) mula Katigbak Drive hanggang P. Quirino Ave. Roxas Blvd. (northbound lane) mula Quirino Ave. hanggang P. Burgos Ave.

– Katigbak Drive at South Drive

– Independence Road

– East- and westbound lanes ng Kalaw Ave. mula Taft Ave. hanggang Roxas Blvd.

– East- and westbound lanes ng P. Burgos Ave. mula Taft Ave. hanggang Roxas Blvd.

– Maria Orosa St. mula U.N. Ave. hanggang P. Burgos Ave.

– Kahabaan ng Finance Road mula Taft Ave. hanggang P. Burgos Ave.

– Roundtable (Palacio St. at Gen. Luna St.)

– Mabini St. mula Kalaw Ave. hanggang U.N. Ave.

Pinayuhan ng lungsod ang sumusunod na re-routing:

– Mga sasakyang magmumula sa tatlong tulay (Jones, McArthur, Quezon) ay dapat gamitin ang Taft Avenue patungo sa destinasyon

– Mga sasakyang magmumula sa Ayala Blvd. na dadaan sa Finance Road ay dapat lumiko pakanan patungong P. Burgos Ave. patungo sa destinasyon

– Mga sasakyang magmumula sa U.N. Ave. (westbound lane) ay dapat lumiko pakaliwa patungong M.H. del Pilar St. o Roxas Blvd. Service Road patungo sa destinasyon

– Mga sasakyang magmumula sa Mabini St. ay dapat lumiko pakanan o pakaliwa patungong U.N. Ave. patungo sa destinasyon

– Mga sasakyang magmumula sa Ma. Orosa St. ay dapat lumiko pakanan o pakaliwa patungong U.N. Ave. patungo sa destinasyon

– Mga sasakyang magmumula sa Roxas Blvd. Service Road (northbound lane) ay dapat lumiko pakanan patungong U.N. Ave. patungo sa destinasyon

– Light vehicles na magmumula sa Mel Lopez Blvd. na dadaan sa Roxas Blvd. ay dapat dumaan sa Anda Circle, at kumanan sa A. Soriano Ave. patungo sa destinasyon

– Mga sasakyang magmumula sa Muralla St. sa loob ng Intramuros na dadaan sa Roundtable ay dapat dumerecho sa Magallanes Drive o Soriano Ave. patungo sa deistinasyon

– Lahat ng trailer trucks/heavy vehicles mula sa Pasay na dadaan sa Roxas Blvd. (northbound lane) ay dapat lumiko pakanan sa President Quirino Ave. patungo sa destinasyon samantala ang mga light vehicles ay maaaring dumaan sa Roxas Blvd. Service Road (northbound lane)

– Lahat ng trailer trucks/heavy vehicles mula sa Mel Lopez Blvd. (R-10) patungong Roxas Blvd. ay dapat lumiko pakaliwa sa Capulong St., at dumerecho sa Yuseco St. patungong Lacson Ave. patungo sa destinasyon (old truck route)

Ang mga sumusunod na lugar sa kahabaan ng Chino Roces Bridge (Mendiola) ay isasara din sa trapiko:

– Kahabaan ng C.M. Recto Ave. mula N. Reyes St. hanggang Mendiola St.

– Kahabaan ng Legarda St. mula Figueras St. hanggang San Rafael St.

Maaaring dumaan ang mga motorista sa sumusunod na ruta:

– Mga sasakyang magmumula sa Quezon Blvd. at C.M. Recto Ave. na dadaan sa Mendiola St. ay dapat lumiko pakaliwa sa N. Reyes St. patungo sa destinasyon

– Mga sasakyang magmumula sa Sta. Mesa via Legarda St. na dadaan sa C.M. Recto Ave. ay dapat lumiko pakanan sa Figueras St., derecho sa Earnshaw St., at liliko pakaliwa sa S.H. Loyola St. patungo sa destinasyon

– Mga sasakyang magmumula sa P. Casal St. na dadaan sa Mendiola St., ay dapat lumiko pakaliwa sa San Rafael St., derecho sa Bilibid Viejo St., at liliko pakanan sa S.H Loyola St. o N. Reyes St. patungo sa destinasyon

Para naman sa mga dadaan sa Liwasang Bonifacio, isasara ang kahabaan ng Magallanes Drive mula Jones Bridge hanggang McArthur Bridge.

Ang lahat ng sasakyan na magmumula sa P. Burgos Ave. (northbound lane) na nagnanais na gumamit ng Magallanes Drive ay pinapayuhan na dumiretso sa Jones Bridge hanggang sa destinasyon; lahat ng sasakyang magmumula sa C. Muñoz St. ay maaaring gumamit ng P. Burgos Ave. hanggang sa punto ng destinasyon at lahat ng sasakyang manggagaling sa McArthur Bridge na nagnanais na gumamit ng Magallanes Drive ay dumiretso sa P. Burgos Ave. (southbound lane) o kumanan sa Victoria St. hanggang sa punto ng destinasyon.

Para naman sa Ayala Bridge, walang papayagang sasakyan sa eastbound lane nito mula San Marcelino St. hanggang Romualdez St.

Maaaring gamitin ng publiko ang mga sumusunod na ruta:

– Ang mga sasakyang manggagaling sa Romualdez St. na nagnanais na gumamit ng Ayala Bridge ay kumaliwa sa Ayala Blvd., pagkatapos ay kumanan sa Taft Ave. hanggang sa punto ng destinasyon o didiretso sa N. Lopez St., pagkatapos ay kumanan sa A. Villegas St., pagkatapos ay kaliwa sa C. Muñoz St. hanggang sa punto ng destinasyon

– Ang mga sasakyang manggagaling sa San Marcelino St. na nagnanais na gumamit ng Ayala Bridge ay kumanan sa Ayala Blvd., pagkatapos ay kumanan sa Taft Ave. hanggang sa punto ng destinasyon o dapat dumiretso sa kahabaan ng San Marcelino St., pagkatapos ay kumaliwa sa U.N. Avenue hanggang sa puntong destinasyon

– Mga sasakyan na galing sa Ayala Blvd. na nagbabalak na gumamit ng Ayala Bridge ay dapat kumanan sa San Marcelino St. o kumaliwa sa N. Lopez St. hanggang sa destinasyon.

– Ang mga sasakyang manggagaling sa C. Palanca St. na balak gumamit ng Ayala Bridge ay kumaliwa sa P. Casal St. hanggang sa punto ng destinasyon Ang mga sasakyang manggagaling sa Gen. Solano St. na nagbabalak gumamit ng Ayala Bridge ay kumanan sa P. Casal St. o dumiretso sa C. Palanca St. hanggang sa punto ng destinasyon

– Ang mga sasakyang manggagaling sa P. Casal na nagnanais na gumamit ng Ayala Bridge ay kumanan sa C. Palanca St. hanggang sa destinasyon.

Sinabi ng INC na ang rally na tinaguriang “Rally for Transparency and a Better Democracy” ay gaganapin para itulak ang transparency at accountability sa gobyerno. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here