Home ENTERTAINMENT Rafael at Denise, hinihiritan ng balik-tambalan!

Rafael at Denise, hinihiritan ng balik-tambalan!

323
0

Manila, Philippines – Tulad ng ibang love team na sumikat noong dekada 2000, may sariling following din ang tambalan nina Rafael Rosell at Denise Laurel.

Katunayan, malaki ang panghatak ng dalawa dahil dama ang sexual tension tuwing nagsasama ang dalawa sa isang proyekto.

Nakilala sila noon bilang love team partners sa seryeng “Precious Heart Romances.”

Sa isang panayam, inamin din ni Rafael na si Denise ang favorite niyang leading lady.

Kahit meron na rin silang pamilya, napanatili naman nila ang kanilang friendship.

Lately, nagkaroon ng sighting ang pagsasama ng dalawa.

Pinag-usapan naman ito ng kibitzers at nag-react ang mga nagmamarisol.

May ilang kafaneyan na na-miss ang kanilang tandem.

May mga humihirit nga na sana ay magbalik-tambalan sila.

Ito ang ilan sa kanilang mga komento.

“Wow, sila ang favorite love team ko.”

“Love that despite na hindi sila nagkatuluyan ay nananatili silang best of friends.”

“Iba rin ang sexual chemistry nila.”

“True. Walang kupas pareho. Parang bampira na hindi tumatanda.”

“Sana gawan sila ng teleserye uli.”

“Walang kupas silang pareho.”

“Bagay kaya sila. Love them.”

“Grabe chemistry nitong dalawa. Fan ako dati ng precious heart romance.”

Si Rafael ay nagbabalik-teleserye via “The Alibi,” ang pinakabagong handog ng Dreamscape Entertainment kung saan may importante siyang papel.

Mapapanood na ang TV series na pinagbibidahan ng KimPau sa Prime Video. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here