Home ENTERTAINMENT Rosa Rosal, pumanaw na!

Rosa Rosal, pumanaw na!

297
0

Manila, Philippines – Ipinagluluksa ng Philippine Red Cross at buong showbiz ang pagpanaw ng dating aktres at humanitarian na si Rosa Rosal.

Siya’y 97 taong gulang.

Ang malungkot na balita ay kinumpirma ni dating Senator Richard Gordon, dati ring chairman ng PNRC.

Ayon sa post sa Facebook ng PNRC: “Gov. Rosal leaves a legacy of genuine service, dignity and love for humanity–a legacy which will continue to guide PNRC and inspire generations of volunteers.”

Inilarawan ni Gordon si Rosal bilang isang “devoted and iconic volunteer whose life was defined by compassion and unwavering service.”

Ang pagkamatay ni Rosal–o Florence Lansang Danon sa totoong buhay–ay kinumpirma ng mga miyembro ng kanyang pamilya.

Sinasabing nasa ospital ito nang malagutan ng hininga.

lan sa mga natatanging pelikula ni Rosal ay ang Anak-dalita, Badjao pero sa pelikulang Sonny Boy niya nakamit noong 1955 ang kanyang unang Best Actress trophy.

Ginawaran din siya ng Ramon Magsaysay Award at Order of the Golden Heart for Public Service bilang bahagi ng PNRC mula 1965.

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng mga detalye ang kanyang mga kaanak tungkol sa kanyang lamay.

Ang dating TV host na si Tony Rose Gayda ay anak ni Rosal.

Nitong Oktubre, binawi ng pamunuan ng Famas ang pakikiramay nito sa buhay pang si Rosal.

Mula sa Remate Online, ang aming taospusong pakikidalamhati sa pagpanaw ni Rosa Rosal. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here