Home NATIONWIDE Pistolerong HVT timbog sa P68K shabu sa Bulacan buy-bust

Pistolerong HVT timbog sa P68K shabu sa Bulacan buy-bust

265
0

Bulacan – Arestado ang high-value-target (HVT nang mahulihan ng P68,000.00 ng shabu at baril sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM).

Sa ulat ng PDEA Bulacan, kinilala ang suspek na si alyas Nanding, 59, residente ng Brgy. Fatima 1.

Ayon sa ulat, ikinasa ang operasyon ng PDEA katuwang ang Provincial Intelligemce Team Bulacan East Regional Intelligence Unit 3 bandang 5:39 ng hapon nitong Nobyembre 14 sa Brgy. Fatima 1.

Narekober sa operasyon ang nasa 10 gramo ng shabu na may halagang P68,000.00, .38 caliber pistol, dalawang bala at marked money.

Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso habang nasa kostudiya ng PDEA. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here