Bulacan – Nakita na ang kalunos-lunos na kalagayan ngayong Lunes, Nobyembre 17 ang binatilyong nawala matapos tangayin ng rumaragasang agos at lumubog sa ilog ng Brgy. Matictic, Norzagaray noong Nobyembre 7.
Sa ulat, nakita ng mga rescue team ang kalunos-lunos na katawan ni alyas “Bornok”, Senior Scout, Grade 10, residente ng naturang bayan.
Ayon sa ulat, positibong kinilala ng mga kaanak ang bangkay dahil sa kanyang damit at short na suot.
Base sa Facebook live ng kaanak, nakita ang bangkay sa ilog sakop ng Brgy. Binagbag, Angat.
Halos hindi na rin umano makilala ang nagkalasog na katawan at halos bungo na lamang ang natira sa ulo ni Bornok dahil sa tagal nakababad sa ilog.
Nabatid na agad dinala ng punerarya ang bangkay at nakatakdang i-cremate dahil sa di-kaaya-ayang lagay ng katawan nito.
Nagpaabot ng pasasalamat ang mga kaanak ng biktima sa mga rescue team, divers at sa mga walang sawang tumulong sa paghahanap at humihingi rin sila ng dasal para sa kaluluwa ng mahal nila sa buhay.
Sinusulat ito, dumagsa ang pakikiramay ng mga netizen para sa naulila ni Bornok na kilala rin na scout leader sa kanilang paaralan. Dick Mirasol III