Manila, Philippines – Kung si Paolo Contis ang tatanungin, may kakaiba siyang pakahulugan sa phrase na “happy home.”
Ang naturang mga salita ay bahagi ng pamagat ng kanyang latest movie.
Naitanong kasi sa aktor kung ano ang ideya niya ng isang happy home.
Medyo matalinhaga ang tugon ni Paolo–wala daw ‘yon sa geographical location.
He cited ang iba-ibang lugar ng tirahan ng kanyang dalawang anak sa dating karelasyong si Lian Paz–Xonia and Xalene are based in Cebu.
Ang ina naman daw ni Paolo ay nasa Mandaluyong.
Samanatala, Paolo stays in Makati.
Yet sa kabila nito, ang happy home daw para sa kanya ay nasa puso.
Dito na ipinagtapat ng aktor na pagkatapos niyang ayusin ang sa mga anak nila ni Lian, ang isusunod naman niya’y sa side naman ni LJ Reyes and their daughter Summer.
Tulad ni Lian, nakatagpo na rin ng bagong partner si LJ who’s now in New York.
Matatandaang LJ and Summer flew to NY days after pumutok ang isyu kina Paolo at Yen Santos.
Ayaw nga lang gawing for public consumption ni Paolo ang mga pribadong bagay.
Pero tiyak na tiyak nang he will make it up to Summer as did he to Xonia and Xalene.