Home NATIONWIDE Rep. Sandro pumalag sa mga paratang ni Sen. Imee kay PBBM

Rep. Sandro pumalag sa mga paratang ni Sen. Imee kay PBBM

320
0

MANILA, Philippines – Mariing pinabulaanan ni House Majority Leader at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos nitong Martes ang paratang ni Senator Imee Marcos na gumagamit umano ng ilegal na droga ang unang pamilya, at iginiit na walang katotohanan ang akusasyon.

“It pains me to see how low she has gone to the point that she resorts to a web of lies aimed at destabilizing this government to advance her own political ambitions,” pahayag ni Sandro.

“Sa lahat po ng binanggit ni senadora, walang basehan, walang katotohanan, at walang magandang idudulot sa bayan,” aniya pa.

Ibinato ni Imee ang akusasyon sa kanyang talumpati sa rally ng Iglesia ni Cristo sa Quirino Grandstand noong Lunes ng gabi, kung saan sinabi niyang, “Batid ko na na nagda-drugs siya… seryoso ito.”

Ayon kay Sandro, mismong mga anak ni Imee—sina Borgy, Vice Gov. Matthew, at Atty. Michael—ang makapagpapatunay na hindi totoo ang alegasyon. Sinabi niyang masakit na nagamit ang pamilya sa pulitika, at idinagdag:

“For her to betray her own family brings a lot of pain to me.”

Tinawag din niya ang ginawa ni Imee na “hindi asal ng isang tunay na kapatid” at nanawagan na huwag magpalaganap ng mga pahayag na makapagpapadestabilisa sa pamahalaan.

Samantala, sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na ang pahayag ni Imee ay isang “desperate move.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here