Home NATIONWIDE 23-anyos na freelance model, dead-on-arrival sa QC hospital

23-anyos na freelance model, dead-on-arrival sa QC hospital

272
0

MANILA, Philippines – Isang 23 anyos na freelance model ang idineklarang dead on arrival sa isang ospital sa Quezon City noong Linggo ng gabi, ayon sa awtoridad.

Ayon sa Quezon City Police District, dinala siya ng kanyang dating kasintahan, na nagsabing nawalan siya ng malay habang nasa kanilang bahay.

“Nung tingnan niya ‘yung katabi niya, parang wala nang buhay. Kaya isinugod niya sa ospital,” said Police Major Jennifer Gannaban, QCPD spokesperson.

Dagdag pa ni Gannaban na tumawag ang ospital sa pulisya kinabukasan ng umaga.

“Ang hospital mismo ‘yung tumawag sa Police Station 1 na nagsasabing may insidente na ganoon. Kaya pinuntahan ng Station 1 and ‘yun nga ‘yung nailagay nila sa report,” ani Gannaban.

Ayon sa paunang medikal na pagsusuri, ang pagkamatay ay sanhi ng cardio-respiratory distress.

“Sa initial examination natin, so far walang nakitang strangulation o mga pasa na dahilan sa pagkamatay ng biktima,” ani Police Lieutenant Colonel Edison Ouano, chief of QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU).

Isasagawa ang autopsy upang matukoy ang eksaktong sanhi ng pagkamatay.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang dating kasintahan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here