MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang pagkakaroon ng African Swine Fever (ASF) sa mga baboy sa ilang lechon-processing facilities sa La Loma, Quezon City.
Inutusan na ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang pansamantalang pagsasara ng 14 lechon shops, na mananatiling sarado hanggang ideklarang ASF-free.
Tiniyak ng BAI na ligtas pa rin ang pagbili at pagkain ng lechon mula sa iba pang accredited na tindahan.
“Consumers are reminded to buy pork and pork products from accredited establishments,” ayon sa pahayag ng ahensya.
Ang ASF ay mabilis kumalat sa mga baboy ngunit walang panganib sa kalusugan ng tao. Santi Celario