Home HOME BANNER STORY PNP nagpaliwanag sa ipinakalat na 800 armadong pulis sa INC rally

PNP nagpaliwanag sa ipinakalat na 800 armadong pulis sa INC rally

273
0

MANILA, Philippines – Ipinahayag ng Philippine National Police nitong Lunes na ang pag-deploy ng humigit-kumulang 800 armed cops sa Quirino Grandstand noong unang araw ng rally ng Iglesia ni Cristo (INC) ay sanhi ng miscommunication.

“Bagamat nagkamali ‘yung ilang members ng PNP nagdala po sila ng armas, bagamat sila ay napasok doon sa perimeter na hindi dapat, ito po ay supposed to be para proteksyunan ‘yung mga nagra-rally,” ani PNP spokesperson Police Brig. Gen. Randulf Tuaño.

Ayon sa kanya, general instruction lamang ang natanggap ng mga opisyal tungkol sa kanilang tungkulin.

Inalis na mula sa lugar ang mga apektadong pulis.

Napag-usapan na rin ang insidente sa isang pagpupulong ng pulisya at INC organizers.

Binanggit ng PNP na itinuturing na peaceful ang rally kumpara sa ibang protesta.

Naabot ng crowd ang 650,000 noong Linggo, may 110,000 ang nag-camp overnight, at umabot sa 220,000 ang bilang ng tao sa Quirino Grandstand noong Lunes tanghali. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here