Home METRO 161 taon na simbahan sa Cebu, delikado na sa publiko matapos ang...

161 taon na simbahan sa Cebu, delikado na sa publiko matapos ang M-6.9 lindol

339
0

CEBU CITY — Hindi na maaaring buksan pa sa publiko ang San Juan Nepomuceno Parish sa San Remigio, Hilagang Cebu, matapos matukoy na delikado na ang nasabing 161 taong gulang na simbahan dahil sa lindol na yumanig rito na may lakas na 6.9 magnitude.

“After careful study, thorough inspections, and prayerful deliberation with heritage specialists, engineers, and our Parish officials, it has been concluded that repairing the church is no longer viable,” ayon sa pahayag ng simbahan.

Kinumpirma rin ng Mines and Geosciences Bureau ang pagkakaroon ng sinkhole at cavities sa ilalim ng sahig, na nagbabanta sa kaligtasan ng mga deboto.

Balak ng Arsobispado ng Cebu na magtayo ng bagong simbahan na magiging “stronger, safer and firmly founded for future generations.”

Inilarawan ng mga opisyal ang sitwasyon bilang sandali ng “grief and hope,” at hinikayat ang mga parishioner na alalahanin ang alaala at pamana ng makasaysayang simbahan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here