Home TOP STORIES Paratang ni Imee, walang ebidensya puro ingay – Goitia

Paratang ni Imee, walang ebidensya puro ingay – Goitia

221
0

MANILA, Philippines – “Kung seryoso ang paratang, dapat seryoso rin ang ebidensya.”

Ito ang diretsong sinabi ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia hinggil sa maingay at matapang na pahayag ni Senadora Imee Marcos sa Quirino Grandstand kung saan pinasaringan nito ang mambabatas na gaano man kalakas ang sigaw nito ay ay hindi kayang palitan ang katotohanan na wala siyang ipinakitang kahit isang patunay o mabigat na ebidensiya.

“Ang pag-akusa ng paggamit ng ilegal na droga ay hindi basta-basta. Dapat itong suportado ng test results, medikal reports, o opisyal na dokumento. Wala sa mga ito ang dala ni Imee. Walang pinakita. Walang pruweba. Puro salita,” giit ni Goitia.

Ayon kay Goitia, hindi umano pwedeng balewalain ang mga paratang kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng kanyang kapatid dahil matagal na umanong napatunayan na negatibo sa drug test ang Pangulo makaraang boluntaryo itong nagpa-drug test sa St. Luke’s noong 2021 at malinaw na lumabas na negative sa cocaine. Pinatotohanan pa aniya ito ng mga opisyal ng ospital sa Senado at ito ay dokumentado.

Ayon pa kay Goitia, kung wala umanong sapat na ebidensiya ay nararapat lamang umano na huwag idamay ang kahit na sino lalo na ang Unang Ginang na si Liza Araneta Marcos dahil hindi umano ito uri ng serbisyo na dapat ibinibigay sa bayan.

Giit pa ni Goitia na normal lamang ang tampuhan sa pamilya lalo na sa mundo ng politika ngunit hindi ito dapat umanong gawing dahilan para guluhin ang usaping pambansa. May responsibilidad umano ang bawat opisyal na maging maingat sa bigat ng salitang kanilang binibitawan.

Ayon kay Goitia, ang sinumang maglalabas ng paratang ay dapat may kasamang matibay na patunay, at kung wala naman ay hindi dapat manggulo o magsimula ng pagdududa sa publiko. Sa harap ng mas seryosong hamon ng bansa, hindi kailangan ang mga alegasyong walang laman. Hangga’t walang malinaw na ebidensya, mga kwento lang ito na hindi dapat gawing batayan ng paghusga. Ang kailangan ng bansa ay katotohanang may substansya, hindi mga linyang walang bigat.

Si Dr. Jose Antonio Goitia ay kinikilala bilang Chairman Emeritus ng apat na makabayang at sibikong organisasyon: Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), People’s Alliance for Democracy and Reforms (PADER), Liga Independencia Pilipinas (LIPI), at Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here