Home HOME BANNER STORY Pag-alis ng Grade 11, 12 sa S.Y. 2026-2027, fake news! – DepEd

Pag-alis ng Grade 11, 12 sa S.Y. 2026-2027, fake news! – DepEd

616
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na mali ang mga pahayag tungkol sa pagkansela ng K-12 program sa susunod na school year.

Sa isang pahayag, pinabulaanan ng DepEd ang mga post na kamakailan lamang ay kumakalat online.

“Walang katotohanan ang kumakalat na post sa social media tungkol sa umano’y pagtanggal ng Grade 11 at 12 para sa SY 2026-2027,” ayon sa DepEd.

Itinampok sa mga online post ang umano’y anunsyo mula sa DepEd na hindi na ipatutupad ang K to 12 Program simula Hunyo 2026.

Nabanggit din sa mga post na ilang paaralan na ang nagsimulang maglunsad ng direktiba.

Bilang tugon, iginiit ng DepEd na umasa lamang sa mga verified sources, kabilang ang mga opisyal na social media account ng DepEd Philippines, para sa mga opisyal na anunsyo at advisories.

“Muling pinaaalalahanan ng DepEd ang publiko na mag-ingat at maging mapanuri sa mga impormasyong nababasa online. Huwag i-follow ang mga page na nagbabahagi ng maling impormasyon at agad i-report ang mga ito,” saad ng ahensya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here