Home HOME BANNER STORY Imee Marcos, gustong alisin si PBBM sa puwesto para maisulong ‘Team Itim’...

Imee Marcos, gustong alisin si PBBM sa puwesto para maisulong ‘Team Itim’ – Malakanyang

322
0

MANILA, Philippines – Nais ni Senator Imee Marcos na maalis ang kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa puwesto para maisulong nito ang kanyang ka- “Team Itim.”

“Matanggal sa puwesto. Ano pa ba? Para i-angat ang kanyang ka-Team Itim. Yun lang naman yun e,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro nang tanungin kung ano ang motibo ng senadora sa drug allegations nito laban kay Pangulong Marcos at sa First Family.

At nang tanungin kung ang tinutukoy niya ay si Vice President Sara Duterte, ang tugon ni Castro ay “Sino ba yung nasa campaign ads nila na Team Itim? Kung sino man ang kasama niya sa Team Itim, yun na yun.”

Matatandaang, buwan ng Abril nang magkaroon ng political advertisement si Imee Marcos at VP Sara kung saan tinawag nila ang kanilang sarili na “Team Itim.”

Sa isinagawang rally ng Iglesia ni Cristo sa Quirino Grandstand sa Maynila, araw ng Lunes, inakusahan ni Imee Marcos ang First Family na bumabatak ng ilegal na droga. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here