Home ENTERTAINMENT TV5, nagbigay ng dahilan sa pag-reject sa bagong show ni Kuya Will!

TV5, nagbigay ng dahilan sa pag-reject sa bagong show ni Kuya Will!

286
0

Manila, Philippines – Kalat na–Willie Revillame’s Wilyonaryo will no longer air on TV5.

Although hindi pa ganap na kinukumpirma ito ay malakas ang bulung-bulungang wala nang aasahang pagbabalik si Willie via a retitled show.

Matatandaang nagbitiw si Willie bilang host ng Wowowin para bigyang daan ang kanyang senatorial bid.

While on an indefinite leave, ang kaibigang Randy Santiago ang pansamantalang nag-pinchhit kay Willie.

Tulad ng alam ng lahat, bigo si Willie na masungkit ang Senate seat.

Gayunpaman, maugong ang balitang TV comeback niya–still on TV5 via Wilyonaryo.

Segment title ito dati ng kanyang programa.

Ipino-promote na nga ito ni Willie sa kanyang social media account.

‘Yun nga lang, ayon sa latest development ay posibleng hindi na umere ito sa Kapatid network.

Tinukoy ang ilang dahilan kung bakit–kabilang dito ang pag-ayaw ng mga dating katrabaho ni Willie na bumalik siya.

Isa rin sa itinuturong dahilan ay ang pagkalugi ng TV5 ng aabot sa P2M araw-araw dahil sa pagsasahimpapawid nito ng kanyang programa.

Given these major concerns, balitang iba-buy out na lang ng MediaQuest Ventures ang ipinagagawang studio ni Willie sa TV5.

Tinitingnan din ni Mr. Johnny Manahan at ng team nito ang posibilidad na gawing opisina ang naturang studio.

So, saang network na pupulutin si Willie?

O, mapapanood na lang sa online ang Wilyonaryo?

Tsk, tsk, tsk… Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here