Home NATIONWIDE Cloudflare shutdown, naayos na

Cloudflare shutdown, naayos na

691
0

MANILA, Philippines — Naibalik na ng Cloudflare ang serbisyo nito matapos ang outage nitong Martes na nagdulot ng pagkaantala sa access sa mga pangunahing internet platform tulad ng X, ChatGPT, Canva, at Grindr, na nakaapekto sa libu-libong gumagamit sa buong mundo.

Nagsimula ang aberya bandang 6:30 a.m. ET (7:30 p.m. oras sa Pilipinas) dahil sa isang automatically generated configuration file na nakalaan upang pamahalaan ang potensyal na banta sa seguridad. Lumaki ang file at bumagsak ang software system na humahawak sa traffic para sa ilang serbisyo ng Cloudflare.

“There is no evidence that this was the result of an attack or caused by malicious activity,” ayon sa kumpanya. Ang Cloudflare, na humahawak sa halos isang-kalimang bahagi ng global web traffic, ay nag-deploy na ng solusyon at iniimbestigahan ang insidente, ngunit maaaring makaranas pa rin ang ilang gumagamit ng intermittent na problema.

Umabot sa higit 11,000 ang naitalang reports ng pagkaantala sa outage tracker na Downdetector bago bumaba sa 2,800 bandang 10:20 a.m. ET.

Ayon sa kumpanya, ang hindi pangkaraniwang traffic simula 11:20 UTC ang nagdulot ng ilang error sa kanilang network. Bumaba rin ng 2.3% ang shares ng Cloudflare sa morning trading kasunod ng aberya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here