Home NATIONWIDE ‘Imee retokada’ remarks ni FL Liza, peke!

‘Imee retokada’ remarks ni FL Liza, peke!

293
0

MANILA, Philippines — Binatikos ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang pagpapakalat ng pekeng balita nitong Miyerkules, kasunod ng alegasyong idinugtong sa kaniya at kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. tungkol sa paggamit ng ilegal na droga.

Sa kaniyang mga post sa Facebook at Instagram, ibinahagi ng First Lady ang mga larawan ng kaniyang pagpupulong sa mga dayuhang filmmaker sa Pilipinas.

“Sometimes things happen for a reason,” aniya, binanggit ang papuri ng mga filmmaker sa kabutihan at pagiging tunay ng mga Pilipino, at ang kanilang interes na dalhin ang Hollywood sa bansa.

Biro rin niya, “Welcome to entertainment – Pinoy style! Only in the Pinas will you find a plot full of holes and actors who can’t deliver and a climax that leaves entire communities underwater.” Dagdag pa niya, “Let’s not even talk about fake news.”

Nagbahagi rin si Araneta-Marcos ng larawan ng pekeng quote na ipinapalagay na sa kaniya kaugnay ng alegasyon ni Senator Imee Marcos. “…. And speaking of fake news… ‘welcome to entertainment, Pinoy style!’” aniya.

Sinita rin ng Palace Press Officer na si Claire Castro ang pekeng art card: “Hindi po ganyan ang ugali ng ating First Lady.”

Ayon kay Castro, tinawag niyang “a desperate move” ang alegasyon ng senadora, at wala pang balak ang administrasyon na magsampa ng kaso. Binanggit din niya na matagal nang napatunayang hindi totoo ang paratang. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here