Home NATIONWIDE Palasyo wala munang balak magsampa ng kaso vs Imee

Palasyo wala munang balak magsampa ng kaso vs Imee

279
0

MANILA, Philippines — Sinabi ng Malacañang na wala munang balak ang pamahalaan na magsampa ng anumang kaso laban kay Senator Imee Marcos kaugnay ng kaniyang alegasyong gumagamit ng ilegal na droga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tinawag ng Palasyo na walang bigat at pulitikal ang motibo.

“As of now, we do not have any plans of making any legal action against her. So, let’s just wait,” pahayag ni Palace Press Officer at Communications Undersecretary Claire Castro sa isang briefing nitong Martes, Nob. 18.

Nang tanungin kung itinuturing ba ng Pangulo na pagtatangkang guluhin ang administrasyon ang pahayag ng kaniyang kapatid, sinabi ni Castro na DOJ o Ombudsman ang magpapasya kung may dapat bang aksyon.

“Let us check first all the facts and the statements that she made,” aniya.

Giit pa ni Castro, ginagamit umano ng senadora ang parehong taktika na ginamit na ng mga kritiko ng Pangulo.

“This is the same playbook ng kaniyang mga kaalyado,” sabi niya, sabay banggit na mismong dating pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabing walang katotohanan ang paratang laban kay Marcos.

Tinawag din niya ang alegasyon na walang basehan at hindi dapat ikabahala ng AFP o makaapekto sa reputasyon ng bansa. “Hindi mabigat ang alegasyon ni Senator Imee – walang basehan, kuwentong walang kuwento, kuwentong kutsero… hindi dapat seryosohin,” ani Castro.

Dagdag niya, malinaw na masusing nagbe-base sa datos ang international community. “Ang maaari lang mabudol ng mga ito ay iyong mga taong hindi nag-iisip o iyong mga taong bisa lang ang adhikain – gibain ang gobyerno ni Pangulong Marcos Jr., ” sabi niya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here