Home NATIONWIDE PBBM supporters nagsagawa ng kilos-protesta

PBBM supporters nagsagawa ng kilos-protesta

281
0

MANILA, Philippines — Nagsagawa ng rally ang mga tagasuporta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Mabuhay Rotonda, Quezon City nitong Martes bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa administrasyon.

Ayon kay Giselle Albano, tagapagsalita ng Filipinos Do Not Yield (FDNY), inorganisa ang pagtitipon bilang pagkilala sa mahigit 31 milyong Pilipinong bumoto kay Marcos noong 2022.

Binanggit niya na ang grupo ay hindi konektado sa anumang pulitiko at pinapatakbo lamang ng kanilang pagkilos para suportahan ang Pangulo.

Idinagdag ni Albano na plano ng FDNY na ipagpatuloy ang mga aktibidad sa buong bansa upang ipakita ang katapatan, habang hinihikayat ang publiko na igalang ang magkakaibang pananaw sa politika.

“May kanya-kanya naman po tayong stand… kapag alam mong hindi na tama huwag ka nang magbulag-bulagan pa,” wika niya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here