Home NATIONWIDE 30% ng Metro Manila, malulubog sa tubig pagsapit ng 2040

30% ng Metro Manila, malulubog sa tubig pagsapit ng 2040

301
0

MANILA, Philippines — Aabot sa 30% ng Metro Manila ang posibleng tuluyang malubog sa tubig pagsapit ng 2040 dahil sa pagtaas ng antas ng dagat at matitinding bagyo, ayon sa babala ng Climate Change Commission (CCC).

Sinabi ni CCC Commissioner Rachell Anne Herrera na tinatayang 160 kilometrong kwadrado ng lupa sa NCR ang nanganganib.

Binigyang-diin ni Herrera ang pangangailangan na isakatuparan ng mga lokal na pamahalaan ang pambansang polisiya sa klima sa pamamagitan ng zoning, permits, at mga estratehiya sa komunidad.

Kinuwestiyon naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa hindi pagsunod sa drainage master plan ng lungsod at pagpapatupad ng P17 bilyong flood-control projects na depektibo o hindi matunton, na nagpalala sa pagbaha.

Ayon sa lungsod, patuloy ang pag-upgrade ng drainage lines, pagluluwang ng mga waterways tulad ng Lagarian Creek, at pagtatayo ng retention ponds, kabilang ang Quezon Memorial Circle, para maayos ang daloy ng tubig tuwing malakas ang ulan.

Bahagi ito ng mas malawak na plano ng Quezon City upang harapin ang pangmatagalang epekto ng pagbabago ng klima. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here