MANILA, Philippines — Pansamantalang mawawalan ng tubig sa mga lungsod ng Makati, Manila, Parañaque, at Pasay mula Nobyembre 19 hanggang 20, ayon sa Maynilad.
Ito ay bunsod ng realignment ng tubo para sa konstruksyon ng bagong Paco Train Station.
Ayon sa kumpanya, irerealign ang 1,350 mm diameter na tubo at ikokonekta sa 1,400 mm na tubo sa Quirino Avenue.
Layunin ng mga aktibidad na ito na bawasan ang water losses at mapabuti ang suplay at pressure ng tubig sa apektadong lugar.
Pinayuhan ang mga customer na mag-imbak ng sapat na tubig bago ang nakatakdang aktibidad.
Maghahanda rin ang Maynilad ng mobile water tankers at nagbigay ng payo para sa tamang pag-iimbak ng tubig sa kanilang social media. Santi Celario