QUEZON CITY — Ipinagpapatuloy ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang imbestigasyon sa biglaang pagkamatay ng freelance model na si Gina Lima, na idineklara nang dead on arrival sa Quezon City General Hospital noong Nobyembre 16.
Ayon sa pulisya, nakipag-inuman si Lima sa kanyang ex-boyfriend noong Nobyembre 15.
Kinabukasan, pumunta sila sa tirahan ng lalaki, kung saan unti-unti siyang naging unresponsive. Agad siyang dinala sa ospital ngunit hindi na na-revive.
Sa paunang imbestigasyon, walang nakitang senyales ng foul play at hindi itinuturing na suspek ang ex-boyfriend.
Aasahan ang resulta ng autopsy mula sa PNP Forensic Group sa Camp Crame bago maisara ang kaso.
Ngayong Miyerkules, iniulat ng awtoridad na natagpuan din umanong patay ang ex-boyfriend ni Lima. Kinumpirma ng La Loma Police na dinala siya sa ospital ngunit hindi na naisalba. RNT