Home ENTERTAINMENT Talent Center ng Net25, binuwag na; Eric, na-sepanx!

Talent Center ng Net25, binuwag na; Eric, na-sepanx!

360
0

Manila, Philippines – Nalulungkot si Eric Quizon dahil na-dissolve na ang Talent Center ng NET25 kung saan siya ang nagsisilbing head.

“Nakakalungkot pero that’s life. The management decided to cut cost and focus on other things,” aniya.

Dagdag pa niya, medyo na-sepanx din daw siya sa mga batang iginu-groom niya noon for stardom.

“Just like I said before, para akong nanganay. Malaking hirap din kasi at pagod ang pinuhunan mo sa pagbi-build up ng talents. Tulad ng sinabi ko, para ko na silang mga anak na iniluwal,” bulalas niya.

Gayunpaman, sa mga talent na nakitaan niya ng potensyal, patuloy pa rin daw naman ang pagtulong niya.

“Iyong iba stayed sa NET25, iyong iba naman lumipat ng network. Siyempre, in-endorse ko rin iyong iba dahil nasasayangan ako sa kanilang potensyal.

May mga nasa Regal na at iyong iba nasa ibang network,” bulalas niya.

Speaking of Eric, balik-pelikula ang magaling na actor-director dahil isa siya sa mga bida ng riot comedy na Jackstone 5 na idinirehe ni Joel Lamangan.

“More than just a fun movie, may puso siya. Ito iyong klase ng pelikulang kailangan natin para ma-entertain tayo at kahit paano ay mapagaan iyong mga dinaranas natin sa bansa ngayon. It also talks about essence of friendship,” pagtatapos niya.

Given a chance, gusto rin daw niyang i-remake ang iconic na pelikulang Ang Tatay Kong Nanay na pinagbidahan ng kanyang amang si Dolphy.

Pagkatapos ng Pusong Mamon, muling magpapakitang-gilas si Eric sa gay role sa Jackstone 5.

Maliban kay Eric, mga bida rin sa Jackstone 5 sina Arnell Ignacio, Gardo Verzosa, Jim Pebanco, at Lamangan.

Nasa cast din ng pelikula sina Abed Green, Marcus Madrigal, Elora Españo, Rico Barrera, Prince Clemente, Angela Cortez, at Jhon Mark Marcia.

Palabas na ang komedyang may puso sa mga piling sinehan simula Disyembre 3.

Ito ay iprinudyus ng Apex Productions with Dennis Evangelista as line producer. (JP Ignacio)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here