Home NATIONWIDE Mabigat na trapiko asahan sa NLEX sa Nob. 22-23 sa Blackpink concert

Mabigat na trapiko asahan sa NLEX sa Nob. 22-23 sa Blackpink concert

301
0

MANILA, Philippines — Inaasahang mabigat ang trapiko sa North Luzon Expressway (NLEX) sa Nobyembre 22 at 23 dahil sa BLACKPINK “Deadline” World Tour concerts sa Philippine Arena sa Bulacan.

Payo ng NLEX Corporation sa mga motorista na planuhin nang maaga ang kanilang biyahe at tiyaking naka-load ang kanilang RFID accounts.

Inirerekomenda sa mga dadalo ng konsyerto ang paggamit ng Ciudad de Victoria exit, habang ang mga papuntang Bocaue o Santa Maria ay pinapayuhang dumaan sa alternatibong ruta sa Marilao, Bocaue, o Tambubong exits.

Magkakaroon ng mga tauhang trapiko sa NLEX upang tumulong sa mga motorista habang ginaganap ang event.

Ito ang ikatlong solo concert ng BLACKPINK sa Pilipinas matapos ang “Born Pink” noong 2023. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here