Home NATIONWIDE 2 timbog sa illegal mining sa Surigao

2 timbog sa illegal mining sa Surigao

3
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang dalawang umano’y illegal na minero at nakumpiska ang ilang piraso ng mining equipment sa crackdown ng pamahalaan laban sa hindi awtorisadong small-scale mining sa dalawang barangay sa Surigao City noong Oktubre 6.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Emiliano Minglana Solana, 52, ng Purok 1, Barangay San Juan, at Maximino Tero Luspe Jr., 40, ng Purok 11, Sitio File, Barangay Mat-i.

Sila ay nagmimina umano ng ginto, ayon sa pulisya.

Sinabi naman ni Lt. Col. Mariano Lukban, hepe ng Surigao Component City Police Station (SCCPS), na nagtimbre ang mga opisyal ng barangay sa nagpapatuloy na hindi awtoridadong extraction sa Sitio Bacahan, Barangay Mabini, at Sitio File, Barangay Mat-i.

Dito na agad nagtungo sa lugar ang team na 15 kilometro mula sa istasyon ng pulisya.

Kabilang sa mga rumesponde ang mga tauhan ng Surigao del Norte 1st Police Mobile Force Company, inspectos mula sa Mines and Geosciences Bureau-13 (MGB-13), at mga tauhan ng Surigao City Environment and Natural Resources Office (City ENRO).

Dito na naabutan ng mga operatiba sina Solana at Luspe na kumukuha ng mineral ores nang walang permit.

Nakatakas naman ang ilang kasamahan nito matapos makita ang mga awtoridad.

Narekober sa lugar ang 10 diesel- at gasoline-fueled water pumps, anim na pala, apat na strainer, rolyo ng fire hose, at wooden round mill.

Naka-detain na sa SCCPS custodial facility ang mga suspek at nahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act No. 7076, o People’s Small-Scale Mining Act of 1991.

Itinurn-over naman sa City ENRO ang mga nakumpiskang mining equipment sa pakikipag-ugnayan sa MGB-13, para sa tamang kustodiya at disposisyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here