Home NATIONWIDE Money-making scheme sa BIR ibinuking ni Tulfo

Money-making scheme sa BIR ibinuking ni Tulfo

372
0

MANILA, Philippines — Ibinunyag ni Senador Erwin Tulfo ang umano’y money-making scheme ng ilang opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) gamit ang tinatawag na letters of authority (LOA).

Tinawag niya ang BIR bilang pangalawang pinakakorap na ahensya ng gobyerno, kasunod lamang ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa deliberasyon ng panukalang 2026 BIR budget, hinimok ni Tulfo si BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza na imbestigahan ang mga opisyal na umano’y kumikita sa pamamagitan ng LOA, na nagta-target kahit sa maliliit na negosyo at single-proprietorships.

Ayon kay Tulfo, may BIR examiners na nagsusuri ng dokumento hanggang limang hanggang anim na taon pabalik, na nagdudulot ng pressure sa mga taxpayer na magbayad kahit may tamang resibo.

“Syempre, ayaw nila ng abala, kaya mas pipiliin na lang nilang magbayad. Dahil kahit na nabayaran na nila nang buo at may resibo pa para sa lahat, ang ilang BIR inspectors — ang examiners — ay patuloy pa ring hahanap ng mali. ‘Nawawala ito, nawawala iyan. Nasaan ito, nasaan iyan? Ipakita mo sa akin ito.’ Minsan, binabalikan pa nila ang dokumento mula 5–6 na taon ang nakalipas. Saan pa ba nila hahanapin ang mga iyon?,” anang senador.

Binigyang-diin niya ang pangangailangan ng reporma sa proseso at posibleng reshuffle sa mga non-performing regional directors. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here