KORONADAL CITY — Winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa rehiyon ng Soccsksargen ang higit ₱34.6 milyon halaga ng ilegal na droga at mga expired na regulated medicines noong Lunes, Nobyembre 17, 2025.
Ginawa ang pagkasunog sa incinerator ng Monte Cielo Eternal Gardens sa Lungsod ng General Santos, sa pangunguna ni PDEA Region 12 Director Charlene R. Magdurulang at ng Executive Judge Paolo R. Aquino ng RTC Branch 49 sa Alabel, Sarangani.
Kabilang sa nasirang kagamitan ang 4,933.5971 gramo ng methamphetamine (₱33.55 milyon), 5,785.3216 gramo ng tuyong marijuana (₱694,238), at mga expired na regulated medicines (₱435,986).
Dumalo rin sa pagsunog ang mga kinatawan mula sa Department of Justice, Public Attorney’s Office, lokal na pamahalaan, civil society, at media upang matiyak ang transparency.
Ani Magdurulang, pinapakita ng aktibidad ang patuloy na dedikasyon ng PDEA sa paglaban sa ilegal na droga at pagpapanatili ng kaligtasan ng mga komunidad sa rehiyon. Dave Baluyot