Home ENTERTAINMENT Goma, aminadong kuripot!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Goma, aminadong kuripot!November 19, 2025 11:003430 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Wapakels lang si Richard Gomez kapag sinasabihan siyang kuripot o makunat.Sa katunayan, masinop at matipid naman talaga siya pagdating sa pananalapi.Naging rule of thumb na raw niya na ang kinikita niya sa showbiz ay ini-invest niya sa savings o sa property ang kalahati.The rest daw ay iyong ginagamit niya sa kanyang mga gastusin.Wala rin daw siyang bisyo, at ang masasabing tanging luho niya ay ang kanyang sports.Payo nga niya sa mga baguhang artista ay ang mag-ipon at unahin ang bumili ng bahay kaysa nga naman winawaldas ang kinikita sa luho.Hindi raw naman forever ang career sa pag-aartista.Isa pa rin sa natutunan niya sa showbiz ay kung paano linangin ang kanyang people skills.Ito rin daw ang dahilan kaya mabango pa rin siya sa brand endorsements.Proud naman si Goma na sa estado ng kanyang buhay ay nakakapili na siya ng kanyang roles.Kumpara noon, medyo galante na rin daw siya sa kasalukuyan. (Archie Liao)