Home NATIONWIDE 29 ari-arian idineklara ni VP Sara, asawa nito sa 2024 SALN

29 ari-arian idineklara ni VP Sara, asawa nito sa 2024 SALN

367
0

MANILA, Philippines – IDINEKLARA ni Vice President Sara Duterte at ng kanyang asawa na si Atty. Manases Carpio, ang kabuuang 29 real properties sa kanilang 2024 Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), na may 19 sa mga ito ay matatagpuan sa Davao City.

Base ito sa kopya ng SALN ni VP Sara na inihain mula June 30, 2022 hanggang December 31, 2024.

Makikita sa December 31, 2024 na ang real properties ng mag-asawa kabilang na ang agricultural land, residential lots, house-and-lot units, isang condominium sa Mandaluyong, isang house-and-lot sa Parañaque, at maramihang mga parsela ng lupain sa Island Garden City of Samal (IGACOS).

Tanging dalawang lote lamang ang nakalista bilang “property of the children” sa ilalim ng trust arrangements.

Ang Davao properties ang nangibabaw sa Duterte–Carpio holdings

Sa 29 na deklaradong ari-arian, may 19 ang nasa Davao City, kabilang na ang residential lots sa multiple barangays, agricultural parcels, memorial lots, at house-and-lot units

Tatlong piraso ng real property ang nakalista sa iba pang Davao Region localities, kabilang na ang Panabo City, at lima ang matatagpuan sa IGACOS.

Ayon sa SALN ni VP Sara, karamihan sa ari-arian ng mag-asawa sa Davao City ay nabili sa pagitan ng 2006 at 2015.

Bagaman, ang idineklara ni VP Sara na kanyang asset values at liabilities na nalipat sa kanya noong 2022–2024 filings, ang bilang ng mga ari-arian ay nananatiling stable.

Makikita sa kanyang kanyang 2024 SALN ang portfolio na hindi nagbabago ang laki, na may adjustments na makikita pangunahin sa ‘valuation, acquisition’ ng mga bagong parcels, o reclassification, gaya ng dalawang lote na nakalagay sa ilalim ng trust para sa mga anak ng mag-asawa.

Inihayag din ng Duterte-Carpio ang kanilang business interests sa food manufacturing, trucking, trading, at legal services, consistent sa mga naunang taon.

Sa isang panayam, idineklara ni VP Sara na ang kanyang net worth ay tumaas ng P17.45 million simula ng maupo siya bilang bise-presidente noong 2022— mula P71.1 million noong June 2022 hanggang P88.51 million ‘as of December 31, 2024.’

“Upon assuming office on June 30, 2022, Duterte declared:

Real properties: P50.96 million

Personal properties: P23.85 million

Liabilities: P3.750 million (personal loan) ,” ayon sa ulat.

“As of December 31, 2024,’ ang net worth ni VP Sara ay umakyat sa P88.51 million.

Ang real properties ni VP Sara ay umakyat sa P66.81 million, itinuturong dahilan ang pagbili ng dalawang parcels ng lupain ni Carpio na nagkakahalaga ng P12 million. Tumaas din ang personal properties sa P31.65 million.

Gayunman, nag-loan naman si VP Sara ng bagong P8 million loan noong 2024, dahilan para ang kanyang total liabilities ay umabot sa P9.95 million, kahit pa ang kanyang naunang personal loan ay umabot sa P1.95 million. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here