Home ENTERTAINMENT Anjo, may content daw kay Ruby, wala namang laman!

Anjo, may content daw kay Ruby, wala namang laman!

386
0

Manila, Philippines – Teaser lang, pero wala namang laman!

In yet another desperate attempt to discredit his former Eat Bulaga cohosts ay naglabas ng teaser si Anjo Yllana through his TikTok video.

May art card pa ang wari’y headline ng balita tungkol sa dating host din ng noontime program na si Ruby Rodriguez.

Halos sabay na-displace sina Ruby at Anjo sa EB noong kasagsagan ng pandemya.

Mas senior host nga lang si Ruby na ngayo’y naka-base na sa Amerika kasama ang kanyang pamilya.

Ayon sa art card, sa wakas daw ay binasag na rin ni Ruby ang kanyang matagal nang pananahimik.

Ibinisto kasi ni Ruby ang umiral na favoritism sa show at ilan pang alingangas never before told.

Ang siste, teaser lang ‘yon in the form of an art card na walang laman o kalakip na video bilang paglalahad ng kuwento.

Sa madaling salita, pang-come on lang ang art card.

Malinaw na naghahanap si Anjo ng mga kakampi sa kanya para patuloy na siraan ang EB at ang mga bumubuo dito.

Hindi na kataka-taka kung “ligawan” din ni Anjo ang ilan pang hosts na wala na sa EB tulad ni Jimmy Santos.

On Ruby, kilalang malapit sila ni Pauleen Luna na misis ni Bossing Vic Sotto–kaya maaatim ba ni Ruby na siraan ang pamilya Sotto? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here