MANILA, Philippines – Sugatan ang isang truck driver at helper nito matapos tambangan ng mga suspek na sakay ng motorsiklo sa Barangay Lagao, General Santos City.
Ayon sa ulat, nagtamo ng tama ng bala ng baril sa neek at balikat ang truck driver.
Sa ulat ng pulisya, huminto lamang saglit ang mga biktima para i-check ang kanilang sasakyan nang biglang dumating ang mga suspek at pinaputukan ang mga ito.
Agad na tumakas palayo ang mga namaril sakay ng motorsiklo.
Bago dalhin sa ospital, tinukoy ng truck driver ang isa sa mga suspek na dati niyang live-in partner.
“Naibigay niya talaga yung pangalan ng suspect. Upon review of the CCTV, na-confirm natin na babae talaga yung backride,” pahayag ni General Santos City PS3 commander Police Major Renato Dungca.
Agad na inaresto ang babaeng suspek matapos ang insidente ngunit itinanggi ang kaugnayan niya sa krimen.
Tinitingnan ng mga awtoridad ang personal na away sa motibo ng pamamaril.
Tinutugis na rin ang mga sangkot sa pananambang. RNT/JGC