Home HOME BANNER STORY Zaldy Co handang protektahan ng Ombudsman kung babalik ng Pilipinas

Zaldy Co handang protektahan ng Ombudsman kung babalik ng Pilipinas

334
0

MANILA, Philippines – Handa ang opisina ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na protektahan si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co kung magdedesisyon itong umuwi ng Pilipinas.

Pinabulaanan ni Remulla ang mga ulat na si Co ay nakabalik na umano sa bansa.

“May mga balita noong panahon ng (Nov. 16) rally na umaaligid lang daw sa malapit lang sa Pilipinas but I doubt it, I think psywar yan,” ani Remulla.

“Kaya natatawa-tawa na lang ako noong sinusubukan—mayroon nagpapatanong sa amin na pauwi na raw. Sabi ko, ‘Eh di umuwi na siya. Mas gusto ko yun di ba? Kaya lang di umuwi eh,” dagdag pa niya.

Sa kabila ng malversation at graft charges na inihain laban kay Co sa Sandiganbayan, sinabi ni Remulla na nananatili ang alok ng Ombudsman na protektsyon para sa dating mambabatas.

“Kung meron siya ibang kinatatakutan, sabihin nya. Tutulungan namin siya. We do not want anybody to be gone. Syempre, sa amin ibibintang yan kung may mangyari, diba?”

Handa rin umano ang opisina nito na personal na siguruhin ang kaligtasan ni Co sa kabila ng mga pahayag niyang may ilang personalidad na nasa likod ng anomalya sa flood control projects ang gusto siyang ipapatay.

“We can go to the tube and pick him up and bring him through a route with a waiting vehicle where somebody he trusts is there, and we can put it all on video, everything happening. We can have body-worn cameras the whole time,” ayon sa Ombudsman. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here