MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ), Shear Line, at northeast monsoon o Amihan as ilang bahagi ng bansa ngayong Huwebes, Nobyembre 20.
Ayon sa PAGASA, ang Davao Region, SOCCSKSARGEN, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, at Palawan ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa ITCZ.
Ang Cordillera Administrative Region, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, at Aurora naman ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms dahil sa shear line.
Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan din at thunderstorm ang iiral sa Quezon dahil sa easterlies, habang northeast monsoon ang magdadala ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan sa Batanes at Ilocos Norte.
Ang nalalabing bahagi ng Mindanao ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na at isolated rain showers o thunderstorms dahil sa ITCZ, at ang nalalabing bahagi ng Ilocos Region dahil sa Amihan.
Asahan naman ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dahil sa easterlies. RNT/JGC