Home OPINION DAYUHANG BALITA SA DROGA, KORAPSYON

DAYUHANG BALITA SA DROGA, KORAPSYON

491
0

HABANG inihahayag at pagkatapos ihayag ni Senador Imee Marcos sa daan-daang libong tao na dumalo sa transparency and democracy rally na lulong sa drogang cocaine at marijuana ang kapatid niyang si Pangulong Bongbong Marcos, kumalat sa buong mundo ang balita.

Ngunit hindi lang ang akusasyon ni Imee ang nilalaman ng mga balita kundi ang pagpapabulaan mismo ng Pangulo sa paratang.

Kabilang sa mga nagbalita rito ang mga dayuhang nagbabalita gaya ng The Guardian, CNBC news, NBC News, Yahoo News, Facebook, Instagram, Al Jazeera, South China Morning Post, Reuters, AP News, FOX 56 News, The Independent, International Business Times UK, The Straits Times, The New Indian Express, Arab News at iba pa.

Matatagpuan ang mga international na diaryo at social media sa iba’t ibang bahagi ng mundo mula sa Asia hanggang sa America, Middle East, Europa at iba pa.

Ang INCTV na nag-broadcast sa pangyayari mismo ay nakarating sa mga bansang United States, Asia, Europe, Australia, New Zealand, the Middle East at North Africa, partikular sa Canada, Singapore, Japan, South Korea, Hong Kong, Macau, Taiwan, China, United Kingdom, Turkey, France, Spain, Italy, Greece, Germany, Monaco, Switzerland, Iceland, Denmark, Norway, Finland, and Sweden, Australia at New Zealand.

Halos lahat ding local na print at broadcast media, kasama ang Remate online, may online news din na kasama ng mga internasyunal para ibalita sa buong mundo ang pangyayari.

Ganyan katindi sumabog ang balita na maaaring makaapekto nang masama o maganda hindi lang sa imahe ng Pilipinas kundi maging sa mga Filipino sa abroad.

MGA KORAPSYON AT KIKBAK O BASURA

Kung babasahin ang mga artikulo sa nasabing mga pamahayagang internasyunal at social media, kakambal ng balitang droga ang matinding korapsyon na may kikbak o basura sa Pilipinas.

Korapsyon sa floof control project na umabot na sa halos P1 trilyon sa nakaraang tatlong tatlong lamang ng administrasyong Marcos at iba pang imprastraktura gaya ng farm-to-market road, barangay road, ospital at super health center, eskwela at iba pang bilyon-bilyong piso rin ang halaga.

Ayon kay Manang Imee, dahil nagkakadepekto na ang “ading” (nakababatang kapatid) niyang si Bongbong, sinasamantala siya ngayon ng mga nakapaligid sa kanyang mga magnanakaw at korap.

Matatandaang may mga inaakusahan, hindi lang ni dating Ako Bicol Partylist Representative Saldy Co, na may mga taga-Malakanyang na nagsasamantala o nagmamaniobra sa pambansang badyet para makakikbak o magkamal ng “basura” si Marcos at pinsan niyang si ex-Speaker Martin Romualdez ng mga halagang P56 bilyon at P25 bilyon.

Ang masama pa, may direktang iniutos mismo si Marcos na P100B insertion sa national budget at dito kumikbak ang dalawa ng P25B.

Pareho namang pinabulaanan nina Marcos at Romualdez ang mga paratang na ito.

MASAMANG BUNGA

Dahil dito, marahil higit na masama kaysa mabuti ang ibinubunga ng mga balita.

Isa na rito ang pagbagsak o pagbulusok ng halaga ng piso laban sa dolyar at dahilan ng pagmahal ng presyo ng lahat ng bilihin.

Lalong walang dayuhan na maglagak ng puhunan na makalilikha sana ng trabaho para sa marami.

Sa kabuuan, hindi lalago ang ating ekonomiya at magbubunga ito ng lalong paghihirap sa naghihirap nang sambayanan.

Saan basurahan kaya tayo pupulutin niyan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here