Home NATIONWIDE Yaman ni PBBM lumago ng 1,600% mula 2005 ‘gang 2024

Yaman ni PBBM lumago ng 1,600% mula 2005 ‘gang 2024

332
0

MANILA, Philippines – Lumago ng mahigit 1,600% ang yaman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula 2005 nang siya ay gobernador pa ng Ilocos Norte, hanggang sa pagtatapos ng 2024 na siya ay Pangulo na ng bansa.

Sa report, nagdeklara si Marcos ng net worth na P79 milyon noong 2005 at P1.375 bilyon noong Disyembre 31, 2024.

Tumaas sa P120 milyon noong 2007 ang net worth ni Marcos batay sa kanyang SALN, sa huling taon ng kanyang pagiging gobernador.

Noong 2008, bilang kongresista ng Ilocos Norte, tumaas sa P180 milyon ang kanyang net worth at naging P315.5 milyon noong 2009 dahil sa kanyang share sa Cabuyao property na ipinag-utos ng Sandiganbayan na maibalik sa kanilang pamilya.

Pagsapit ng 2010 bilang senador ay nagdeklara si Marcos ng SALN net worth na P311.5 milyon at tumaas sa P437 milyon noong 2012 dahil sa mga investment, share ng stock at art collection.

Sa kabila nito ay tumaas din ang liabilities sa mahigit P34 milyon.

Nagpatuloy pa itong tumaas hanggang sa humigit P908 milyon na ang net worth ng First Couple noong 2022 o nang manalo si Marcos bilang pangulo.

Sa pinakabagong SALN, nakita na ang net worth ng Pangulo ay nasa P1.375 bilyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here