Home NATIONWIDE ‘Di ko pinagtatanggol si PBBM sa ‘P100-B insertions’ – Lacson

‘Di ko pinagtatanggol si PBBM sa ‘P100-B insertions’ – Lacson

259
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson ang pahayag na ipinagtatanggol niya si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaugnay ng umano’y P100 bilyong budget insertion at kickback scheme.

Ayon kay Lacson, ipinapakita ng ebidensya na nalinlang ang Pangulo at hindi niya maaaring natanggap ang kickbacks. Isa sa mga ebidensya ay ang pag-veto ng Pangulo sa P1.15 bilyon na bahagi ng parehong listahan ng proposed insertions.

Kinwestiyon din niya ang kredibilidad ng pahayag ni resigned Ako Bicol Rep. Zaldy Co na naghatid ng P25 bilyon bilang kickbacks, batay sa pahayag ni dating DPWH Usec. Roberto Bernardo, na siyang humawak ng kickback deliveries.

Ayon kay Lacson, ang maling paggamit ng pondo ay kinasasangkutan ng mga indibidwal na ginamit ang pangalan ng Pangulo, hindi ang Pangulo mismo.

Binanggit niya sina resigned PLLO Usec. Adrian Carlos Bersamin at resigned Education Usec. Trygve Olaivar bilang ilan sa mga diumano’y nanlilinlang kay Marcos.

Binanggit niya, “Hindi ko ipinagtatanggol ang Pangulo, pero kung alam niya at inutos ang P100 bilyong insertion, bakit pa niya i-veto iyon?” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here