Home NATIONWIDE 8 dayuhan timbog sa scam hub sa Cavite

8 dayuhan timbog sa scam hub sa Cavite

173
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng National Bureau of Investigation (NBI) ang arestong walong Chinese nationals sa umano’y scam hub sa Bacoor City, Cavite.

Ang operasyon ay isinagawa noong Nobyembre 15, 2025, gamit ang Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data (WSSECD) mula sa Bacoor City Regional Trial Court Branch 110.

Ang mga arestado ay kinilalang sina Chen Xing He, Liu Yong Chang, Tang Lao Ya, Xiao Long, Xiao Liu, Liang Yaocai, Li Xiang, at Xiao Kai.

Sa operasyon, nakuha ng mga awtoridad ang mga computer at cellphone, na ayon sa pagsusuri ay ginamit sa online social engineering schemes.

Kinumpirma ng NBI na ang operasyon ay bunga ng verification at surveillance matapos makatanggap ng impormasyon tungkol sa ilegal na online activities sa nasabing bahay.

Ang walong dayuhan ay kinasuhan sa Department of Justice dahil sa paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 (RA 10175) kaugnay ng Financial Accounts Scamming Act (RA 12010). Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here