Home NATIONWIDE Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, asahan

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, asahan

266
0

MANILA, Philippines — Pinaghahanda ang mga motorista sa iba’t ibang adjustments sa presyo ng langis sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE).

Batay sa pinakahuling Mean of Platts Singapore (MOPS) trading, inaasahang bababa ng P0.50 kada litro ang gasolina, habang tataas ng P0.50 ang diesel. Ang kerosene naman ay posibleng tumaas ng P1.35 kada litro.

“Final estimate will happen after the Friday’s MOPS trading,” ani DOE-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero.

Ayon kay Romero, nagkaroon ng pagbabago-bago sa presyo ng global crude oil dahil sa oversupply, mahihinang economic indicators, at tensyon sa geopolitics, partikular ang mga sanctions laban sa Russia, Iran, at Venezuela.

Nag-aanunsyo ang mga oil company ng opisyal na presyo tuwing Lunes, na ipinatutupad sa susunod na araw.

Noong Martes, Nobyembre 18, tumaas ng P1.20 kada litro ang presyo ng gasolina at diesel, habang nanatiling naka-freeze ang kerosene dahil sa kasalukuyang state of national calamity. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here