Home NATIONWIDE DOH kinalampag ng health workers sa malawakang korapsyon sa pamahalaan; health sector...

DOH kinalampag ng health workers sa malawakang korapsyon sa pamahalaan; health sector nadadamay

272
0

MANILA, Philippines – Kinalampag ng grupo ng mga health workers ang tapat ng Department of Health (DOH) sa Maynila dahil na rin sa malawakang korapsyon sa pamahalaan kung saan nadadamay ang sektor ng pangkalusugan ng bansa.

Mariing kinondena ng grupo ang ganitong mga gawain ng mga mismong nakaupo at halal sa gobyerno dahil higit na naaapektuhan ang mga Pilipino na may mga karamdaman.

Kabilang na rito ang ilang maanomalya at palpak na itinayong super health centers kung saan 300 mula sa 878 na super health centers ang non-operational o hindi gumagana.

Bukod dito, nasayang rin anila ang mga bakuna at gamot na nasa pangangalaga ng DOH dahil na-expire ang mga ito na dapat sana ay nagamit ng mga pasyente.

Suportado rin nila ang paghahain ng kaso laban kay DOH Secretary Ted Herbosa dahil sa paglalabas nito ng pondo na hindi naipaliwanag nang maayos kung saan ibinigay na lamang sana ito o inilaan sa sweldo at allowances ng mga health worker. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here