Home HOME BANNER STORY PBBM pinaaaresto na sina Zaldy Co, 17 iba pa sa flood...

PBBM pinaaaresto na sina Zaldy Co, 17 iba pa sa flood control projects mess

401
0

MANILA, Philippines – IPINALABAS na ang warrant of arrest laban kina dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co at 17 iba pang opisyal ng Department of Public Works and Highways at Sunwest Corp. na may kaugnayan sa flood control projects controversy.

“May warrant of arrest na laban kay Zaldy Co at 17 iba pa mula sa DPWH at Sunwest Corporation. Kaya’t sa ating law enforcement agencies, huwag na nating patagalin pa. Arestuhin na ninyo sila. Siguraduhin maisagawa ito nang mabilis at tama. Gumugulong na ang hustisya,” ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Magandang araw po sa inyong lahat
Ito po ay isa pang report na aking ginagawa upang malaman ng taumbayan kung ano na ang nangyayari tungkol sa mga flood control na kaso na naging eskandalo at kung papano, kung ano ang ating mga nagawa upang mapanagot ang may kagagawan nito,” ayon sa Pangulo.

“Kaya’t nais kong i-report na ang Ombudsman, pormal nang naghain ng kaso laban kila Zaldy Co at iba pang 17 indibidwal batay sa ebidensiyang iniakyat ng ICI at saka ng DPWH,” aniya pa rin.

Binigyang-diin ng Pangulo na hindi ito haka-haka at ito ay may tunay na ebidensya.

“At ang susunod na hakbang ay wala nang paligoy ligoy pa.. Ang ating mga awtoridad, ay syempre ipapatupad na itong mga arrest warrant na. Aarestuhin na sila, ihaharap sa korte at pananagutin sa batas. Walang special na pagtrato, walang sinasanto,” aniya pa rin.

“Ako ang nagsimula nitong lahat at ako ang tatapos kaya’t asahan po Ninyo na wala pong tigil, itong aming ginagawa kahit na napakatagal ang dumaan na panahon,” pagraiyak ng Pangulo

Nagpasalamat naman ang Pangulo sa pasensya ng taumbayan kung saan nagbunga na aniya ng resulta ang mga pasensya ng mga ito. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here