Home NATIONWIDE P7.1-B tax evasion itinanggi ng mga Discaya

P7.1-B tax evasion itinanggi ng mga Discaya

252
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ng mag-asawang conractor na sina Curlee at Sara Discaya ang P7.1 bilyong tax evasion para sa mga taong 2018 hanggang 2021 na isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ).

Hindi ipinalabas na DOJ ang kopya ng kanilang counter-affidavit.

Sinabi ni DOJ Spokesperson and Prosecution Attorney Raphael Niccolo L. Martinez na personal na isinumite ng mag-asawang Dscaya ang counter-affidavit sa panel of prosecutor na nagsasagawa ng preliminary investigation ng mga reklamo.

Sinabi ni Martinez na itinakda ng panel ang pagdnig para sa preliminary investigation ng mga kaso.

Isinampa ng BIR sa DOJ ang tax complaint hinggil sa P7,182,172,532.25 tax liability ng mag-asawa.

Ang unang set ng mga kaso ay may kaugnayan sa di-pagbabayad ng buwis ng mga mag-asawa para sa mga taong 2018 hanggang 2021. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here