Manila, Philippines – Mismong si Ellen Adarna na rin ang nagsabing hiwalay na sila ni Derek Ramsey.
Gayunpaman, she’s still staying at Derek’s house in Ayala Alabang in Muntinlupa City.
Pero pag natapos na raw ang renovation ng kanyang bahay: “I’ll leave and be gone forever!”
Alangan naman daw na mag-alsabalutan siya sa panahong ito: “Kasama ko ang anak niya!”
Bahagi daw ‘yon ng kanilang kasunduan that as soon as her house gets finished ay mag-iimpake daw siya.
“This was our agreement three years ago,” ani Ellen who admitted to have sought barangay intervention.
“Not just once but twice!” aniya.
Hindi naman idinetalye ni Ellen ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Pero nabanggit niya ang tungkol sa “side chick” bago sila ikasal.
Samantala, makaraan ang pahayag na ito’y todo-puri ang retired Cebuana actress sa ama ng kanyang panganay na anak na si Elias, si John Lloyd Cruz.
Ayon kay Ellen, si JLC daw ay number 1 good provider at ever-present father ng kanilang supling.
Samantala, ayon sa text-reply ni Derek sa isang showbiz reporter na nagtatanong ng tungkol sa kanila ni Ellen, ang tugon lang nito’y: “Time heals all wounds.” Ronnie Carrasco III