Manila, Philippines – Mapapalampas ba ang pandededma ni Lucena City Mayor Marc Alcala sa isyu ng panunuyo niya kay Kathryn Bernardo dahil mas inuuna niya ang kanyang opisyal na tungkulin?
Well, parang ganoon na nga.
Ito’y base sa ginawa niyang pakikitungo kay Ogie Diaz na kinontak siya sa Messenger para kumpirmahin kung totoong nanunuyo ang guwapong alkalde sa aktres.
Ayon kay Ogie sa pinaksa nila sa Showbiz Updates, nagpadala siya ng mensahe kay Mayor Marc.
Umugong nga kasi ang panliligaw niya kay Kathryn lalo at lagi pa silang spotted na magkasama.
As we all know, “single and ready to mingle” ang Kapamilya actress.
Si Mayor Marc ang dating nobyo ng Kapuso star na si Ashley Ortega.
Sumunod kay Aahley ay volleyball player.
Back to Ogie’s story, wala raw siyang natanggap na reply mula kay Marc.
Pero nang sumagot na raw ay humingi ito ng dispensa: “Sorry, tito, ‘di ko nasagot message mo. Busy lang ako.”
Sinamantala na ni Ogie ang pagkakataong ‘yon para tanungin ang alkalde kung totoo nga bang sila na ni Kathryn tulad ng napaulat.
Pero ani Ogie: “Hindi na siya sumagot sa akin as in dedma! Hahaha!”
Busy nga lang kaya si Mayor Marc o sadyang pinahahalagahan lang niya ang kanyang pribadong buhay? Ronnie Carrasco III