Home LIFESTYLE HEALTH DOH: Kaso ng dengue bumaba sa 14K noong Oktubre

DOH: Kaso ng dengue bumaba sa 14K noong Oktubre

388
0

MANILA, Philippines – Bumaba ang bilang ng mga kaso ng dengue sa buong bansa noong linggo ng Oktubre 12 hanggang 25, na may kabuuang 14,038 kaso bago tumama ang bagyong Tino (Kalmaegi) at Uwan (Fung-Wong) sa bansa, sinabi ng Department of Health (DOH) nitong Sabado.

Ito ay 8% na pagbaba mula sa 15,182 dengue cases na naitala mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 11, dagdag ng DOH.

Sinabi ng Kagawaran ng Kalusugan na posibleng matapos ang pagdaan ng mga bagyo, ang mga lalagyan na naiwan sa paligid ay maaaring may nakolektang tubig na magsisilbing pinagmumulan ng mga lamok na Aedes aegypti na maaaring kumalat sa dengue virus.

Kaya naman pinaalalahanan ng DOH ang publiko na huwag maging kampante bagkus ay sundin ang 4T strategy: Taob, Taktak, Tuyo, at Takip — i-flip, empty, dry, at takpan ang mga lalagyan upang maiwasan ang pagdami ng mga lamok na Aedes aegypti.

Hinimok din ng kagawaran ang publiko na humingi ng medikal na atensyon sakaling makaranas sila ng mga sintomas tulad ng lagnat, pantal, pananakit ng katawan, pananakit ng mata, pagkahilo, at pagsusuka. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here