MANILA, Philippines – Nakahanda ang Department of Justice na tumulong sa Ombudsman ngayong may warrant of arrest na laban kay dating Rep. Zaldy Co at iba pa na sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Kabilang na dito si Zaldy Co, 17 iba pa mula sa Dpartment of Pblic Works and Highways (DPWH) at Sunwest Corporation.
Ayon kay Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez kung kakailanganin ng Ombudsman ang tulong ng DOJ ay nakahanda sila.
Samantala inaantay pa ang sagot ng DOJ kung magrerequest na ba sila ng Red Notice sa INTERPOL ngayong may warrant of arrest na kila Zaldy Co.
Mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa mga law enforcement na huwag ng patagalin pa at arestuhin na ang mga akusado ngayong may warrant of arrest na.
Siguraduhin aniyang gawin ito ng tama at mabilis at gumugulong na ang hustisya. Jocelyn Tabangcura-Domenden